Pagpunta ni Duterte sa China, walang kinalaman sa military ties nito sa Pilipinas

By Inquirer, Kabie Aenlle October 07, 2016 - 05:02 AM

duterte arayatMagiging sentro ng pag-bisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang pagpapatibay ng magandang relasyon ng Pilipinas sa China.

Bagaman ito ang pangunahing layunin ng pangulo, nilinaw naman ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na hindi ito nangangahulugan na pinuputol na ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Estados Unidos.

Ayon kay Yasay, bagaman nais pagbutihin ng bansa ang pakikipagkaibigan nito sa China, hindi naman ito papasok sa anumang military alliance sa China dahil kailanman hindi naman ito ang naging intensyon ni Pangulong Duterte.

Aniya pa, laging sinasabi ni Duterte sa mga traditional partners ng bansa na nag-iisa lamang ang military ally ng Pilipinas at iyon ay ang US.

Gayunman, nababahala pa rin aniya ang pangulo na hindi nakakamit ng mga joint military exercises ng Pilipinas ang US ang target nitong resulta na mas palakasin ang self reliance ng bansa sa pagharap sa mga banta sa seguridad sa bansa.

Nais aniya nilang iparating sa Amerika na kung hindi nga nakakamit ang layunin ng mga military exercises na ito at kung magpapatuloy ito, posibleng ihinto na ito ni Duterte sa kaniyang administrasyon.

Sa October 17 ang tentative na schedule ng pagpunta ng pangulo sa China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.