5 katao patay dahil sa rido sa Basilan

By Kabie Aenlle October 07, 2016 - 04:47 AM

Sumisip BasilanNasawi ang limang katao dahil sa bakbakan na naganap sa pagitan ng mga angkan sa Sumisip, Basilan.

Kinilala ng mga pulis ang mga nasawi na sina Immah Abubakar, Kasim Talhata at Antotong Ismael mula sa angkan ng Alih, at sina Illan Manisan at Serny Jutli na mula sa angkan ng Abdulmin.

Ayon sa mga pulis Basilan, naganap ang bakbakan sa pagitan ng dalawang pamilya noong Miyerkules sa Sitio Larangay sa Brgy. Manual.

Dahil dito, napilitan ang ilang mga residente na pansamantalang lumikas upang hindi madamay sa away ng dalawang angkan.

Ayon kay Sumisip Mayor Gulam Boy Hataman, agawan sa lupain at mga ari-arian ang ugat ng away ng mga angkan ng Alih at Abdulmin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.