Bilang ng nasawi sa hurricane ‘Matthew’ sa Haiti, umakyat na sa 108
Umakyat na sa 108 ang bilang na namatay sa resulta ng pananalanta ng hurricane ‘Matthew’ sa bansang Haiti.
Ayon sa mga otoridad, malaki ang posibilidad na tumaas pa ang naturang bilang dahil nagpapatuloy pa ang paglilibot ng mga rescue teams sa mga lugar na naapektuhan ng naturang malakas na bagyo.
Ayon kay Haiti president Joecelerme Privert, kritikal ang sitwasyon sa kanyang bansa dahil sa trahedyang idinulot ng hurricane ‘Matthew’
Umaabot naman sa 28,000 bahay ang nasira nito.
Sa Bahamas na sunod na tinamaan ng hurricane, nasa 26 katao ang inisyal na bilang ng nasawi samantalang marami ring tahanan ang nasira.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ng mga reisdnete ng Florida sa USA, dahil ito ang sunod na direktang tatamaan ng hurricane ‘Matthew’.
Milyun-milyong residente na ang pinatyuhang lumikas sa kanilang mga lugar upang makaiwas sa epekto ng category 4 hurricane.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.