Sebastian sadyang binigyan ng pabor sa Bilibid ayon sa dating BuCor Chief

By Isa Avendaño-Umali October 06, 2016 - 07:55 PM

bucayo-620x465
Inquirer file photo

Mistulang inamin ng dating pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) na wala silang ginawa para kontrolin ang pamamayagpag ng mga convicted drug resonalities sa loob ng Bilibid.

Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni dating BuCor Dir. Franklin Bucayu na sadyang hindi isinama ang drug lord na si Jaybee Sebastian sa mga presong inilipat pansamantala sa detention cell ng National Bureau of Investigation noong 2014.

Tumanggi naman siyang idetalye ang ilan sa kanilang mga ginawang operasyon sa Bilibid pero umamin siya na kulang ang ibinigay sa kanilang suporta ni dating Justice Sec. Leila de Lima para sa mga planong reporma.

Pero mistulang umiiwas si Bucayu sa pagsagot, Sa halip ay itinuro nito si Presidential Anti-Organized Crime and Corruption (PAOCC) Chief Reginald Villasanta para sumagot sa tanong ni Castro.

Pero uminit ang ulo ni Castro at sinabing si Bucayu ang kanyang tinatanong kaya siya dapat ang sumagot at hindi si Villasanta.

Ani Castro, ano ang espesyal na dahilan kung bakit hindi kasama si Sebastian na tinaguriang Bilibid 19.

Pero paliwanag ni Bucayu, wala raw siya sa intelligence group at binibigyan lamang daw siya ng mga impormasyon.

Ang nararapat aniya na magpaliwanag ay si Villasanta dahil ang PAOCC ang laging nagta-trabaho nito.

Lalong nairita si Castro at sinabing ang paliwanag ni Bucayu ay napaka-flimsy o hindi kapani-paniwala.

Nangatwiran pa si Bucayu na kaya hindi nakasama si Sebastian sa Bilibid 19 dahil manageable at cooperative daw ito kumpara sa ibang mga high profile inmates at namili raw sa pagitan nina Sebastian at Herbert Colanggo para hindi magkaroon ng leadership vacuum sa hanay ng mga preso.

Pinagpaliwanag din ng komite si Villasanta pero humirit siya ng executive session upang mas maikwento ang papel ng kanilang tanggapan sa raid sa Bilibid.

Subalit hindi napagbigyan ang hirit na ito ni Villasanta dahil kulang ang mga miyembro ng lupon para magbotohan.

TAGS: bucayu, Castro, de lima, NBP, bucayu, Castro, de lima, NBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.