Duterte: “we will survive”

By Den Macaranas October 06, 2016 - 06:40 PM

Duterte Butuan
RTVM/PTV

Matigas ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya natatakot na itigil ng ilang bansa ang tulong sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa harapan ng mga miyembro ng Philippine National Police sa Butuan City, sinabi ni Duterte na gagawin niya ang kanyang pangako na sugpuin ang problema ng droga sa bansa.

Kahit na ito raw ay magresulta sa kamatayan ng mga drug personalities basta’t matiyak lamang niya na magiging ligtas ang publiko laban sa impluwensiya ng bawal na gamot.

Muli ring inulit ng pangulo na hindi dapat makialam ang ibang bansa at mga human rights advocates dahil hindi nila alam ang lawak ng drug problem sa Pilipinas.

Tiniyak rin niya sa publiko na huwag matakot sakaling hindi na magbigay ng tulong ang ibang bansa dahil siya mismo ang gagawa ng paraan para matiyak na walang magugutom na mga Pinoy sa bansa.

Inulit din ng pangulo ang pagkakasangkot ni Sen. Leila de Lima sa illegal drug trade.

Ipinaliwanag ng pangulo na paanong mareresolba ang problema sa droga kung mismong ang loob ng bilangguan na dapat ay isang “secured area” ay siyang sentro ng drug trade sa bansa.

Hinamon din ni Duterte ang PNP na gawin ang nararapat at huwag matakot sa kampanya kontra droga.

TAGS: de lima, duterte, Obama, PNP, de lima, duterte, Obama, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.