Dating tauhan ni De Lima pumalag sa bintang na kolektor siya ng pera

By Isa Avendaño-Umali October 06, 2016 - 03:51 PM

Jonel-Sanchez-1006
Inquirer file photo

Mariing itinanggi ni Joenel Sanchez na kilala niya o naka-transaksyon niya ang high-profile Bilibid inmate na si Herbert Colanggo.

Sa interpelasyon ni Mindoro Occidental Rep. Doy Leachon, sinubok nito ang kredibilidad ni Sanchez, ang dating security aide ni De Lima at umano’y taga-kolekta ng drug money sa Bilibid.

Pero giit ni Sanchez, hindi niya kilala si Colanggo.

Dahil dito, sinabi ni Leachon na mukhang tsismis lamang ang laman ng testimonya ni Sanchez.

Matatandaan na sa pagharap ni Colanggo sa unang Bilibid probe ng Justice panel ay pinangalanan nito si Sanchez na kumukulekta ng mga pera mula sa bentahan ng droga sa loob ng NBP na gagamitin naman daw sa kandidatura ni De Lima sa pagka-Senador.

Nang sumalang naman sa interpelasyon ng mga Kongresista si dating Bureau of Corrections o Bucor Director Franklin Bucayu at inamin nito na nagtago siya ng impormasyon kay dating CIDG Chief Benjamin Magalong.

Pero kinumpirma ni Bucayu na minsan niyang sinabi kay Magalong na baka siya’y mamatay kapag itutuloy ang raid sa Bilibid noong 2014.

Sa alegasyon naman ng pagtanggap umano ng drug money, iginiit ni Bucayu na hindi raw ito totoo at wala talaga raw siyang tinanggap na kahit isang sentimo.

TAGS: bucayu, de lima, jonel sanchez, bucayu, de lima, jonel sanchez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.