Testimonya ni Col. Marcelino hinarang sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali October 06, 2016 - 03:23 PM

Acosta-and-Marcelino-Inquirer-Photo-2
Inquirer file photo

Hindi nakasalang bilang testigo si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa ikatlong pagdinig ng House Justice Panel ukol pa rin sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Mayorya ng mga miyembro ng komite ay tutol sa pagbibigay ng testmonya ni Marcelino.

Katwiran ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, mistulang curriculum vitae lamang ang affidavit ni Marcelino.

Nabanggit din ni House Justice Panel Chairman Rey Umali na kinausap daw siya ni Marcelino para sabihing hindi niya gusting maging saksi sa pagdinig.

Kinuwestiyon naman ni Antipolo Rep. Romeo Acop kung bakit ang Public Attorney’s Office ang nag-aabogado kay Marcelino gayung hindi naman siya mahirap na para tumanggap ng tulong mula sa PAO.

Samantala, matapos na pagdebatihan ng mga committee members kung dapat bang pasalangin bilang saksi  habang tumestigo rin si dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu.

Magugunitang kinasuhan si Marcelino kasama ang isang Chinese national makaraan silang mahuli sa loob ng isang drug den sa Maynila kamakailan.

Si Marcelino ay dati ring naging bahagi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi naman ni Deputy Speaker Gwen Garcia na gaya ng affidavit ni Marcelino ay walang bago sa affidavit ni Bucayu.

At nang mapayagang mag-testify, mariing itinanggi ni Bucayu na siya’y tumanggap ng drug money at dumalo siya sa congressional inquiry upang linisin ang kanyang pangalan.

Pinabulaanan din nito ang anumang alegasyon kaugnay sa December 2014 raid sa Bilibid na itinago sa kaalaman ng mga opisyal ng CIDG.

Sinabi pa ni Bucayu na ang problema ng droga sa loob ng NBP ay talamak na bago pa siya maitalaga bilang pinuno ng BuCor.

TAGS: bucayu, Marcelino, PDEA, bucayu, Marcelino, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.