Southbound ng Roxas Boulevard malapit sa Buendia, mahigit 1-oras isinara dahil sa inabandonang bag

By Erwin Aguilon October 06, 2016 - 11:24 AM

Oct 6 Roxas Blvd cor BuendiaNagpatupad ng temporary road closure sa Southbound lane ng Roxas Boulevard malapit sa kanto ng Gil Puyat o Buendia.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) alas 8:27 ng umaga nang isara ang nasabing kalsada dahil may ilang lalaki na hindi nakilala ang nag-iwan umano ng bag sa kalsada.

Dahil kahina-hinala ang pag-abandona sa gamit, agad nagpatawag ng bomb squad para masuri ang bag at hindi muna pinadaanan ang kalsada sa mga motorist.

Nag-negatibo naman sa bomba ang bag at nang buksan ay nakitang manika lamang ang laman nito.

Bago mag alas 10:00 ng umaga ay muling binuksan ang kalsada, gayunman, ang mahigit isang oras na pagsasara nito ay nagdulot na ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.

 

TAGS: temporary road closure, temporary road closure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.