Kaso ng Chikungunya sa Odiongan, Romblon, tumaas

By Dona Dominguez-Cargullo October 06, 2016 - 10:06 AM

ChikungunyaNakapagtala ng pagtaas sa kaso ng chikungunya virus sa bayan ng Odiongan sa lalawigan ng Romblon.

Sa ulat ng local health authorities sa nasabing lugar, 26 na kaso ang naitala mula lamang noong buwan ng Agosto.

Pinakamatinding naapektuhan ng sakit ang Barangay Batiano na nakapagtala ng labing pitong kaso.

Bago ito, inulat ng Department of Health (DOH) na nagkaroon na ng outbreak ng sakit sa bayan ng Indang sa Cavite.

Ang chinkungunya virus ay gaya ng dengue at zika na nagmumula din sa kagat nmg lamok.

Pero hindi gaya ng dengue, ang chikungunya ay hindi nakamamatay.

 

 

TAGS: chikungunya virus, chikungunya virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.