Biyahe ng Pasig River Ferry, sinuspinde

pasig-ferrySuspendido ang biyahe ng Pasig River Ferry System, mula umaga ng Huwebes, Ocotober 6.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mula 7:30 ng umaga, wala munang operasyon ang Pasig River Ferry.

Ito ay dahil sa makapal na water lilies na nakahambalang sa daanan ng ferry.

Muling maglalabas ng abiso ang MMDA kung makakabiyahe pa ngayong araw ang ferry.

 

 

 

Read more...