161 pulis, nag-positibo sa paggamit ng drugs

By Ruel Perez October 06, 2016 - 04:32 AM

 

Check-up. Medical report and urine test strips
Check-up. Medical report and urine test strips

Kinumpirma nang PNP na ngayon ay umaabot na sa 161 na mga kagawad ng PNP ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Ayon kay PNP Directorate for Investigation and Detective Management Executive Officer Sr. Supt. Faustino Manzanilla, umaabot na sa mahigit sa 150,000 na mga PNP personnel ang isinalang sa drug test mula July 1 hanggang October 4 kung saan 161 ang bumagsak sa confirmatory test.

Paliwanag ni Manzanilla, ni-relieve sa pwesto ang nabanggit na 161 na mga pulis para hindi na makaimpluensya sa imbestigasyon.

Susundan naman nila ito ng pagsasampa ng kasong administratibo para tuluyang nang masibak ang mga adik na pulis sa serbisyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.