Lacson kay Pangulong Duterte: ‘Bahala ka na nga’

 

Inquirer file photo

‘Bahala na siya kung ayaw niyang manahimik.’

Ito ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa panibagong ‘go to hell’ remark ni Pangulong Rodrigo Duterte para kay US President Barack Obama.

Dagdag pa ni Lacson, hindi na talaga tinatablan ng anumang payo ang pangulo kayat aniya kung ano ang sa tingin nitong dapat gawin ay gawin na lang niya.

Sinabi pa ni Lacson na hindi niya alam kung para saan ang bagong atake na ito ni ginoong Duterte kay Obama.

Para naman kay senate minority leader Ralph Recto, sa dakong huli ang sambayanan ang magbabayad ng mga hindi magagandang pananalita ng pangulo laban kay Obama at sa iba pang world leaders.

Inihalimbawa na nito ang pghina ng halaga ng piso kontra dolyar na pagpapakita na naapektuhan na ang ating ekonomiya.

Ngunit para naman kay senate president Koko Pimentel, mas makakabuti kung hahayaan na lang ang pangulo sa diskarte nito.

Katuwiran ni Pimentel, epektibo ang pangulo sa kung ano siya at dito rin naman ibinoto noong Mayo.

Read more...