Joint maritime patrol ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia tuloy ayon sa DND
Isinasapinal na ngayon ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang nakatakdang joint maritime patrols para palakasin pa ang pagbabantay sa karagatan bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng mga insidente ng krimen sa karagatan.
Partikular na tinukoy ang nangyayaring pagdukot sa mga Indonesian at Malaysian nationals ng mga hinihinalaang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, sa ngayon ay isinasapinal na ang parameters sa maritime patrol batay sa napagkasunduang transit corridor na kinukunsidera ng tatlong bansa na maritime areas of common concern.
Layon ng joint maritime patrols ng tatlong bansa na matugunan ang problema sa karagatan kabilang ang violent extremism.
Samantala naniniwala naman sina Secretary Lorenzana, Malaysian at Indonesian Defense Ministers Hishammuddin at Ryacudu na malaking tulong ang trilateral cooperation ng tatlong bansa para maging mas matatag at malakas ang ASEAN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
