Minorya sa Kamara bitin sa performance ng gabibnete ni Duterte

By Isa Avendaño-Umali October 05, 2016 - 03:35 PM

duterte-cabinet
Inquirer file photo

Pinababantayan ng minorya sa Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete.

Sa isang pulong balitaan, sinabi nina House Minority Leader Danilo Suarez at Kabayan Partylist Rep. Harry Roque na sa obserbasyon ng kanilang grupo sa unang isang daang araw ng Duterte administrasyon ay nakatuon ang pansin ng pangulo sa peace and order ng bansa at sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Pero ang cabinet secretaries naman daw ng Pangulo ay mistulang natutulog sa pansitan.

Inihalimbawa nina Suarez at Roque ang Department of Transportation o DOTr.

Ayon kay Suarez, bagama’t sinabi ni Pangulong Duterte na walang mabilisang solusyon sa malalang trapiko sa Metro Manila, hanggang ngayon ay wala pa ring kahit kaunting improvement dahil depende ito sa mga plano ng DOTr.

Sinegundahan ito ni Roque at sinabing bigo ang DOTr na maglatag ng malinaw ng mga programa kontra trapiko sa unang isang daang araw ng administrasyon.

Giit ni Roque, mataas man ang marka ng pangulo sa anti-drug war nito at paglaban sa kriminalidad ay kailangan pa rin aniyang mabantayan ang kanyang mga cabinet secretaries.

Higit sa lahat, sinabi ni Roque na huwag masyadong magtiwala ang pangulo sa trabaho ng kanyang mga trusted men dahil malinaw naman ang kanilang pagkukulang.

TAGS: dotr, duterte, Roque, suarez, tugade, dotr, duterte, Roque, suarez, tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.