Duterte pinayuhan ni Robredo na maghinay-hinay sa kanyang pananalita

By Den Macaranas October 05, 2016 - 03:26 PM

Leni Robredo11
Inquirer file photo

Aminado si Vice President Leni Robredo na kinakabahan siya sa mga magiging negatibong epekto ng mga maaanghang na pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilang world leaders.

Ayon kay Robredo, “Ako parating nandoon ‘yung pangamba, parating nandoon ‘yung pangamba kasi napakahalaga nu’ng good relations natin with the international community”.

Sinabi ng pangalawang pangulo na mahalaga ang tulong ng iba’t ibang mga bansa lalo na sa aspeto ng mga anti-poverty program ng pamahalaan.

Kahapon ay muling nakatikim ng batikos mula sa pangulo si U.S President Barrack Obama pati na rin ang kanyang mensaheng dapat ng pumunta sa purgatoryo ang European Union.

Ipinaliwanag ni Robredo na sa unang isang daang araw ng Duterte administration ay umaasa siyang maiiba na ang uri ng pananalita ng pangulo dahil baka maipagkamali na ito ay bahagi ng foreign policy ng pamahalaan.

Binanggit din ng pangalawang pangulo na wala namang masamang makipag kaibigan sa China at Russia pero huwag naman daw batikusin ang ibang bansa tulad ng U.S.

TAGS: duterte, european unbion, Obama, Robredo, duterte, european unbion, Obama, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.