Labag sa Saligang Batas ang BBL, ayon sa 11 senador

CHONA YU STORY PHOTOLabing isang senador na ang sumang-ayon sa committee report ni senador Miriam Defensor-Santiago na lalabag sa saligang batas ang Bangsamoro Basic Law kung hindi ito aamyendahan ng kongreso.

Ayon kay Santiago, Chairman ng senate Committee on Constitutional Amendments, tatlo pa ang inaasahang pipirma sa report na nakatakdang isumite sa Committee on Local Government na bumubusisi sa panukalang BBL.

Kasama sa mga lumagda sa report sina senador Aquilino Pimentel, Vicente Sotto, Sonny Angara, Jinggoy Estrada, TG Guingona, Gringo Honasan, Lito Lapid, Ferdinand Marcos at Cynthia Villar.

Nagpahayag na rin  ng suporta sina senador Alan Cayetano, Ralph Recto at senador Antonio Trillanes.

Sa committee report ni Santiago, idineklara nito na unconstitutional ang BBL kung hindi aamyendahan ng kongreso lalo na ang isyu sa otonomiya, pagbuo ng sub-state at territorial integrity.

Ang report ni Santiago ay nakatakdang i-consolidate sa senate Committee on Local Government ni senador Ferdinand Marcos  bago ito tuluyang isumite sa plenaryo para sa debate.

Giit ni Santiago, sakaling bumagal ang deliberasyon sa BBL, patunay lamang ito na tama ang kanyang committee report na unconstitutional ang BBL – Chona Yu

Read more...