WATCH: Bangkay ng babae na walang ulo, natagpuan sa Obando, Bulacan

By Ricky Brozas October 05, 2016 - 12:34 PM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa gilig ng kalsada sa Obando, Bulacan.

Ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima ay nakabalot ng kumot at walang ulo sa Navarete Road, Barangay Pangulo sa nasabing bayan.

Pasado alas 5:00 ng umaga nang makita ng isang residente ang bangkay at agad itong itinawag sa mga tauhan ng barangay.

Hinahanap pa ng mga pulis at opisyal ng barangay kung saan itinapon ang ulo ng biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.