Bagyong Julian napanatili ang lakas; signal #1 nakataas pa rin sa ilang lalawigan sa Luzon
Napanatili ng bagyong Julian ang lakas nito habang kumikilos papalapit sa extreme Northern Luzon.
Sa weather bulletin ng PAGASA, kaninang alas 10:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Julian sa 465 km East Southeast ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph at pagbugsong aabot sa 55 kph.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kph sa direksyong pa-Kanluran.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa Batanes, Northern Cagayan, Babuyan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.