Ilang minuto bago ang isasagawang Metro-wide earthquake drill narito ang mga larawan sa mga lugar na pagdarausan ng drill.
May malaking screen sa ASEANA sa Macapagal Ave. na magsisilbing command center. Dito imo-monitor ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga kaganapan sa Metro Manila sa kasagsagan ng drill.
Ang ASEANA ay pagdadalhan din ng mga kunwaring nasugatan at masasawi sa drill.
Sa Villamor Airbase naman dadalhin ang mga kunwaring masusugatan mula sa Southern part ng Metro Manila. Ang Signal Communication Regimen ng Philippine Army ay naglagay ng commercial and tactical radios at satellite phones.
Magsasagawa naman ng rope rescue scenario sa bahagi ng Mc Arthur Highway Bridge.
Sa House of Representatives, nagsagawa muna ng briefing sa mga empleyado para sa isasagawang drill.
Nag-ensayo na rin ang mga empleyado ng Kamara ng tamang paglalakad palabas ng gusali.
Mga relief goods mula sa DSWD, dumating na sa Villamor Airbase
Command center sa Villamor Airbase
SA VMMC sa Quezon City, nalagyan na ng sugat ang mga kunwari ay masusugatan sa gagawing earthquake drill