Ngayong National Teachers’ Day, P9,000 na dagdag allowance sa public school teachers, pinamamadali

FB Photo | Malasya Uyungan Elementary School
FB Photo | Malasya Uyungan Elementary School

Inihirit ni Senator Alan Peter Cayetano sa senado na bilisan ang pagpasa ng panukalang naglalayong maitaas ang allowances na tinatanggap ng mga pampublikong guro.

Ayon kay Cayetano, ngayong araw ay ipinagdiriwang ang National Teachers’ Day at kasabay ng mga pagbabagong ginagawa ng administrasyon ay tama lang na masuklian ng gobyerno ang pagbibigay serbisyo ng mga guro.

Noong Hulyo, inihain ni Cayetano ang Senate Bill #75 na layong mabigyan ng mga karagdagang suporta at kompensasyon ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Sa kaniyang panukala nais ng senador na mabigyan ang mga public school teacher ng P9,000 na karagdagang monthly compensation sa loob ng tatlong taon.

Nakasaad din sa panukala na dapat bigyan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro ng taunang bonus kapalit ng unpaid benefits sa ilalim ng magna carta for public school teachers act.

 

Read more...