Anim na pulis ng NCRPO, ipatatapon sa Mindanao dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs

By Ruel Perez October 05, 2016 - 10:36 AM

PNP promotionNakatakda nang ilabas ng Natonal Capital Region Police Office (NCRPO) ang reassignment papers patungong Mindanao ng mga pulis na sangkot sa katiwalian at iligal na droga.

Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde, isinasailalim din ngayon sa evaluation at monitoring ng NCRPO ang animnapu’t pitong mga pulis sa Metro Manila na sangkot sa katiwalian at ilegal na droga.

Paliwanag ni Albayalde, sa animnapu’t pito, anim sa mga ito ay hinihintay na lamang na mailabas ang kaukulang reassignment papers patungo sa rehiyon ng Mindanao.

Sa ngayon, mayroon ng mahigit 150 mga pulis ng NCRPO ang naipatapon na sa Mindanao na karamihan ay mga ninja cop o mga pulis na sangkot sa pagri-recycle ng iligal na droga.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.