LPA sa silangang Luzon, isa nang ganap na bagyo; signal #1 itinaas sa 5 na lugar sa Luzon

Nabuo na bilang isang nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Silangang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang tropical depression Julian sa layong 720 kilometers east ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometers kada oras sa direksyong West Northwest.

Dahil sa nasabing bagyo, itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa Batanes, Northern Cagayan, Babuyan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.

Maliban sa bagyong Julian, apektado naman ng Intertropical Convergence Zone ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA, makararanas ng masungit na panahon ang Cagayan at ang Batanes dahil sa nasabing bagyo.

Maulap na papawirin naman na mayroong light to moderate rains at isolated thunderstorms ang iiral sa Metro Manila at malalabing bahagi ng bansa.

Samantala, alas 6:00 ng umaga, itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa weather bureau, tatagal ng dalawa hanggang tatlong oras ang malakas na pag-ulan na nararanasan sa nasabing lalawigan.

 

 

 

Read more...