Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na may mga panahon na natutukso siyang mag-deklara ng martial law dahil sa lumalalang problema ng iligal na droga sa bansa.
Ayon sa pangulo, minsan naiisip na niya itong gawin ngunit dahil hindi maaari, nag-deklara na lamang siya ng state of lawlessness dahil pinuputakti na ng narcopolitics ang bansa.
Una nang idineklara ng pangulo ang state of lawlessness matapos ang pagpapasabog sa Davao City na ikinasawi ng 15 katao.
Dahil sa pagkabahala ng ilan, nilinaw ni Duterte na hindi ito martial law pero kakailanganin niya ang magkaisang pwersa ng pulisya at militar upang sugpuin ang terorismo at mas mapaigting ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.