Mark Anthony Fernandez, hindi makakapag-pyansa

 

Mahaharap sa habambuhay na pagkakakulong ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos siyang mahulihan ng isang kilong marijuana sa Pampanga noong Lunes.

Ayon kay Central Luzon police director Chief Supt. Aaron Aquino, malabong makapag-pyansa si Fernandez dahil sa dami ng marijuana na nasamsam mula sa kaniyang sasakyan na Ford Mustang.

Naaresto si Fernandez noong Lunes ng gabi matapos makipaghabulan sa Angeles City police.

Matatandaang pinara ng pulisya si Fernandez dahil walang plaka sa harapan ng kaniyang sasakyan at nang sumilip ang mga pulis, doon na natagpuan ang isang bukas na bag na may laman na sirang plastic na bumabalot sa marijuana.

Dahil dito, sinabi ni Aquino na posibleng mabulok sa kulungan si Fernandez sa kaniyang buong buhay.

Read more...