Dahil sa desisyong ito ng Court of Arbitration for Sports, agad na makakabalik ang Russian tennis star sa April na tamang-tama para sa pagsali niya sa French Open.
Matatandaang nag-positibo sa meldonium sa Australian Open ang five-time Grand Slam champion at dating No. 1 player noong Enero, kaya siya pinatawan ng dalawang taong ban mula sa International Tennis Federation.
Umapela si Sharapova sa CAS noong Hunyo, at nagdesisyon ang arbitration panel na nakitaan siya ng “some degree of fault” sa pagpositibo niya sa nasabing gamot na ipinagbabawal sa kanilang manlalaro, kaya naman sapat na anila ang 15 buwan ng sanction.
Nagsimula ang ban kay Sharapova noong January 26.