‘Bibitiw rin ako sa Amerika’ – Duterte

By Kabie Aenlle October 05, 2016 - 04:29 AM

 

obama duterteDahil sa aniya’y pagbabago sa foreign policy ng bansa, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit na rin niyang putulin ang ugnayan ng Pilipinas sa Amerika.

Sa kaniyang talumpati sa Jewish Association of the Philippines kahapon, iginiit ng pangulo na mas gugustuhin niya pang makipag-alyansa sa China o sa Russia na kilalang kairingan ng Estados Unidos.

Ayon kay Pangulong Duterte, ire-reconfigure niya ang foreign policy ng kaniyang administrasyon, at darating ang panahon na bibitiw na siya sa Amerika.

Giit ng pangulo, bagamat hindi magkahanay ang ideolohiya ng bansa sa Russia o China, may respeto naman aniya ang mga bansang ito sa tao.

Matatandaang una nang sinabi ng pangulo ang balak niyang makipag-alyansa sa Russia at China sa gitna ng patuloy niyang mga patutsada laban sa Estados Unidos at sa mga pagpuna nito sa umano’y extrajudicial killings at paglabag sa karapatang pantao ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.