Orange rainfall alert sa Cavite, Yellow rainfall warning sa Metro Manila, Laguna at Rizal

 

Nagpalabas ng Heavy rainfall warning ang Pagasa sa Metro Manila at karatig lugar dahil sa banta ng pag-ulan dulot ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Batay sa 11:30 PM update mula sa Pagasa, nasa ilalim ng Orange warning level ang lalawigan ng Cavite na posibleng tumagal ng 2-3 oras.

Dahil dito, may posibilidad na makaranas ng pagbaha sa lalawigan.

Samantala, isinailalim naman ang Metro Manila, Laguna at Rizal sa Yellow rainfall alert at may banta ng mga pagbaha sa mga mabababang lugar.

Abiso ng Pagasa, manatiling maging alerto ang mga residente sa mga lugar na nasa ilalim ng heavy rainfall warning upang makaiwas sa mga posibleng pagbaha na dulot ng pag-ulan.

Read more...