Mass lay-off sa mga mining workers, itinanggi
Walang magaganap na malawakang mass lay-off sa sektor ng minahan.
Tiniyak ito ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez kasunod ng suspensyon nito sa 20 mining firms na bumagsak sa isinagawang audit ng kagawaran.
Sa pulong kasama ang mga executives, siniguro ni Lopez na hindi mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa sa mga minahan dahil kukunin ang mga ito sa rehabilitasyon ng mga minahan na alinsunod sa kondisyon ng suspensyon nito.
Ayon kay Lopez, layon nito na may trabaho parin ang mga manggagawa habang suspendido ang operasyon ng mga minahan.
Pwede rin aniyang kunin ang mga madi-displace na mga manggagawa sa kanilang National Greening Program (NGP) na isa ring anti-poverty measure ng DENR dahil sa cash-for-work component nito.
Kabilang sa inaudit ng 16 na audit team ng DENR ay 40 metallic at 65 na non- metallic na minahan sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.