Mga sundalong lumaban sa ASG, sumalang sa stress debriefing
Sumasailaim sa combat stress debriefing ang mga sundalong sumabak sa walang tigil na pakikipagsagupa sa bandidong Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay JTG Sulu Spokesperson Col. Rodrigo Gregorio, tatlong company ng sundalo mula ibat ibang batalyon ang ngayon ay dumadaan sa combat stress debriefing.
Ginagagawa ang stress debriefing ng mga medical teams mula sa AFP Medical Center na karamihan ay mula sa Psychological Health Department at pari mula sa chaplain service .
Sa ngayon ayon pa kay Gregorio, nasa ikatlong week na ang ginagawang debriefing sa mga sundalo.
Ayon kay Brig. Gen. Arnel dela Vega, commander ng JTF Sulu na ang combat stress debriefing ay bahagi ng programa ng AFP na nangangalaga sa kalusugan at kapakanan ang mga sundalong nasa combat operation upang mas lalo pa nilang magampanan ang kanilang tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.