Pondo ng Office of the President kinuwestyon ni Trillanes

trillanes-1-620x408
Inquirer file photo

Kinuwestiyon ni Sen. Antonio Trillanes IV ang P2 Billion na pagtaas sa intelligence and confidential fund ng Office of the President para sa susunod na taon.

Sa hearing para sa 2017 national budget ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ay hiniling ni Trillanes na ipaliwanag pa ng Malakanyang ang paglobo ng naturang pondo.

Sinabi naman ni Executive Sec. Salvador Medialdea na ang pagtaas ay para tustusan ang kampanya kontra droga, dagdag na pondo para sa pagtutok sa national security, para sa paglaban sa terorismo at peace and order.

Dito ay ipinanukala ni Trillanes kung maari ay ire-align na lang ang pondo sa mga ahensiya ng gobyerno na ang mga mandato ay kaugnay sa mga binanggit ni Medialdea gaya ng PNP, NBI, AFP at PDEA

Kasabay nito ang pag-amin ni Medialdea na limitado ang kakayahan ng Office of the President na magsagawa ng intelligence operations.

Nilinaw naman ni Trillanes na hindi niya haharangin ang ang pondo kung makukumbinsi siya sa paliwanag ng Malakanyang.
Sa 2017 proposed national budget, humingi ng halos ay P20 Billion na budget ang tanggapan ni Duterte na mataas ng 607 porsiyento kumpara sa hiningi noong nakaraang taon ng nakalipas na administrasyon.

Read more...