Lalaking bumaril at nanagasa sa isang traffic enforcer sa QC nahuli na

By Ruel Perez October 04, 2016 - 05:14 PM

Edsa suspek
Photo: Ruel Perez

Iniharap sa Camp Crame ng Quezon City Police District kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Dir Oscar Albayalde ang suspek sa pagpatay kay Cubao Traffic Enforcer Ernesto Paras.

Ayon kay QCPD Director Guilermo Eleazar, naaresto ng kanyang tracking team sa may Dream Land Hotel sa Brgy. Macanaya, Aparri, Cagayan 11:45 ng gabi kahapon ang suspek na si Geronimo Iquin Jr.

Naganap ang pamamaril noong September 30, 2016, pasado alas 11 ng umaga sa may La Salle st., malapit sa kanto ng Ermin Garcia St., Brgy. Silangan, Cubao, Quezon City.

Nangyari ang insidente matapos na baklasin ng biktima ang plaka ng kotse ng suspek na noon ay iligal na nakaparada sa La Salle st.

Sinasabing nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa bago kumuha ng baril ang suspek sa loob ng sasakyan at pinagbabaril si Paras at ng maubos ang bala pinalo pa nito at habang papatakas ay sinagasaan pa niya ang duguang traffic enrocer.

Napag-alaman sa paunang imbestigasyon na mekaniko ang suspek at ang gamit niyang kotse ay ipinagagawa lamang sa kanya.

Hindi na narecover ang .38 paltik na ginamit ni Iquin sa pamamaril na umanoy itinapon ng suspek sa Pasig River.

Samantala, narekober naman ang sasakyan na ginamit ng  suspek sa Antipolo City kinabukasan, Oktubre 1.

Inihahanda na ng mga otoridad ang mga kasong isasampa laban kay Iquin.

TAGS: Cubao, iqban, NCRPO, paras, PNP, Cubao, iqban, NCRPO, paras, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.