4 na mabuhay lanes gagamitin para mapaluwag ang Edsa

By Ruel Perez October 04, 2016 - 04:41 PM

traffic2
Inquirer file photo

Magpapatupad ng bagong traffic management plan ang Highway Patrol Group ng Philippine National Police para ngayong nalalapit na holiday rush.

Ayon kay PNP-HPG Spokesman P/Supt. Elizabeth Velasquez, apat na bagong mabuhay lanes ang bubuksan mula NLEX patungo ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA), SLEX at Cavitex upang makaiwas sa EDSA ang mga motorist.

Una dito ang Route 1, mula Balintawak dadaan sa Samson Road, C4 Road hanggang sa makarating sa Roxas Boulevard.

Ang ikalawang ruta naman ay mula Balintawak diretso sa A. Bonifacio Ave., Dimasalang, Quezon Blvd, Lawton hanggang Roxas Blvd patungo nang destinasyon.

Ang ikatlong ruta naman ay mula Balintawak hanggang Mayon, Welcome Rotunda, Vicente Cruz, Nagtahan, Osmena Hiway hanggang SLEX.

Habang ang ika-apat na mabuhay lane naman ay mula Balintawak dadaan ng Araneta Ave., N. Domingo, F. Manalo, Panaderos, Pedro Gil, Quirino Ave, Plaza Dilao, Osmena Hiway hanggang SLEX.

Paliwanag ni Velasquez, ang mga bagong mabuhay lanes ay mga alternatibong ruta na di na dadaan sa EDSA dahil na rin sa inaasahang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko habang nalalapit ang holiday season.

TAGS: edsa, HPG, Mabuhay lanes, PNP, edsa, HPG, Mabuhay lanes, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.