5 Pinoy patay sa Hajj sa Saudi Arabia

October 04, 2016 - 04:19 PM

dfa
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng limang Pinoy pilgrims sa Mecca, Saudi Arabia noong panahon ng Hajj.

Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, hindi pa niya maibibigay ang pangalan ng mga nasawing pinoy.

Dalawa aniya sa lima ay namatay dahil sa cardiac arrest habang ang tatlo ay sa sakit na pneumonia.

Sinabi din ni Jose na base sa impormasyon na nakarating sa kanila mula sa Philippine Consulate sa Jedah ay inilibing na sa Saudi Arabia ang mga nasabing pinoy alinsunod sa tradisyon ng Islam.

Ipinaliwanag rin ng DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaanak ng mga namatay na pilgrims.

TAGS: hajj, mecca, pilgrims, saudi arabia, hajj, mecca, pilgrims, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.