Ilang Kongresista byaheng Norway para sa GRP-NDF peace talks

By Isa Avendaño-Umali October 04, 2016 - 04:02 PM

House of Representatives
Inquirer file photo

Anim na Kongresista ang ipapadala ng kamara sa resumption ng peace negotiation sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front – Communist Party of the Philippines (NDF-CPP).

Ang pagbabalik ng usapang pangkapayapaan ay magaganap sa Oslo, Norway sa October 6 hanggang 9 kung saan inaasahyang tatalakayin ang socio-economic reforms.

Ang mga mambabatas na kasama na sa delegasyon ay sina House Deputy Speaker Bai Sema, House Committee on Peace, Reconciliation and Unification Chairman Ruby Sahali at Reps. Jesus Sacdalan, Leopoldo Bataoil, Carlos Isagani Zarate at Nancy Catamco.

Ang mga nabanggit na Kongresista ay ipapadala ng Kamara upang alamin ang mga posibleng tulong ng Kongreso upang maisakatuparan ang mga napagkasunduan ng pamahalaan at rebeldeng komunista sa pamamagitan ng nararapat na lehislasyon.

Nabigyan na rin ang mga House member ng travel authority para sa kanilang biyahe sa Norway.

Sinabi ni Zarate na ang socio-economic reform ang isa sa pinakamabigat na agenda sa peace talks.

Dahil dito, malaki aniya ang magiging papel ng Kongreso upang matupad ang anumang mapagkasunduan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

TAGS: CPP NDF, grp, Norway, peace talks, CPP NDF, grp, Norway, peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.