Matinding El Niño, mararanasan sa Oktubre

July 30, 2015 - 08:16 AM

Inq file photo
Inquirer File Photo

Mas matinding epekto ng El Niño ang mararanasan sa bansa sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pinakamatinding epekto ng El Niño sa nakalipas na 17 taon sa kasaysayan ng bansa ang mararanasan sa nasabing buwan.

Sinabi ni Anthony Lucero ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section, may mga indikasyon na ang El Niño na mararamdaman sa Oktubre ay mas malakas at mas matindi kaysa sa epekto ng 1997 El Niño.

Magkakaroon aniya ng below normal rainfall conditions. Aasahan din ang “peak” ng tagtuyot sa November hanggang sa Enero ng 2016.

Mula sa ‘weak intensity’ na naitala noong March hanggang June, sinabi ni Lucero na nakikita nilang mapapantayan o maaring mahigitan pa ng El Niño ngayong taon ang naranasang matindining tagtuyot noong 1997 at 1998 .

Sinabi ni Lucero na ngayon pa lamang ay kailangang maging handa na ang publiko sa magiging epekto ng tagtuyot./ Dona Dominguez – Cargullo

TAGS: El Niño, Pagasa, El Niño, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.