Mga Chinese nangungunang foreign tourists sa bansa

Wanda Teo1
Photo: Erwin Aguilon

Ipinagmalaki ng Department of Tourism ang pagtaas ng bilang ng mga foreign tourists sa bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, noong Hulyo pa lamang ay umabot sa 3.5 Milyon ang bilang ng mga dayuhang dumating sa bansa.

Sinabi ni Teo na noong taong 2015 ay umabot sa 5.3 Milyon ang tourists arrival sa bansa at ngayong taon ay anim na milyong mga turista ang kanilang target arrival.

Karamihan sa mga foreign tourists ayon kay Teo na bumisita sa bansa ay mga Chinese, sinundan ng mga Thai nationals, Malaysian at mga Hongkong nationals.

Ang pagdagsa ng mga dayuhan mula sa China ayon kay Teo ay dahil sa pagtanggal ng Chinese government ng travel ban sa bansa.

Sinabi pa ng kalihim na maraming mga French na rin ang magtutungo sa Pilipinas matapos niyang ipakilala doon ang mga magagandang pasyalan sa Pilipinas.

Read more...