DOJ walang ipiprisintang umano’y sex video ni Sen. De Lima sa Bilibid probe ng Kamara

Hindi ipiprisinta ng Department of Justice o DOJ ang umano’y sex videos ni Senadora Leila De Lima sa ikatlong pagdinig ng House Justice Committee kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison o NBP.
Sa panayam sa kamara, kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na wala silang ipapalabas na sex videos umano ni De Lima dahil wala naman ito sa kaniya o hindi niya hawak.
Inamin ni Aguirre na napanuod niya ang isang sex video, at sina De Lima at Ronnie Dayan, ang dating driver at umano’y lover ng Senadora ang nasa video.
Ang sex video ang nakuha raw mismo sa cellphone ni Dayan.
Sa kabila nito, sinabi ni Aguirre na ‘call’ o depende na lamang sa justice panel kung i-pe-play o hindi ang video.
Dagdag ng DOJ Secretary, hindi sa materyal o mahalaga ang video, pero sobra-sobra umano sila sa ebidensya laban kay De Lima at mae-establish daw ang mga alegasyon laban sa lady solon.
Kaugnay nito, sinabi ni Aguirre na nasa sampung ang bagong testigo na kanilang ipi-prisenta sa imbestigasyon na gaganapin sa Huwebes, October 6.
Wala namang katiyakan kung haharap sa pagdinig sina Dayan dahil hindi pa siya nakikita, habang ang drug lord na si Jaybee Sebastian ay nasa ospital pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.