Banta ng US Senators na pag-ipit sa ayuda para sa Pilipinas dahil sa EJKs, minaliit ng liderato ng Kamara

By Isa Avendaño-Umali October 04, 2016 - 12:54 PM

House-of-Representatives-building-e1393620387404Minaliit lamang ni House Speaker Panteleon Alvarez ang banta ng ilang senador ng Estado Unidos na ipitin o magtakda ng kundisyonb sa ibinibigay na tulong sa Pilipinas, dahil sa extra judicial killings o EJKs.

Ayon kay Alvarez, nasa ibang bansa na kung magbibigay o hindi ng aid.

Pero giit nito, ang anumang ayuda ay hindi dapat nilalagyan ng kundisyon.

Naniniwala rin ang house speaker na panahon na para hindi palaging umasa ang mga Pilipino ng foreign aid, mula man sa Amerika o ibang mga bansa.

Sa halip, tustusan ng gobyerno ang pansariling pangangailangan, basta ibaba lamang ito depende sa budget.

Nauna nang sinabi ni US Senator Patrick Leahy ang pagbabawal ng US military aid sa dayuhang sandatahang lakas kapag lumabag sa karapatang pantao.

Kinatigan ito ng isa pang US Senator na si Benjamin Cardin na nagpahayag ng pagkabahal sa EJKs sa Pilipinas dahil umano sa maling pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.