Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 1,530 kilometers East ng Luzon.
Ayon kay PAGASA forecaster Samuel Duran, posibleng pumasok sa loob ng bansa ang nasabing LPA ngayong araw.
Sa susunod na mga araw aniya ay posibleng mabuo na ito bilang isang ganap na bagyo.
Sa sandaling maging bagyo habang nasa loob ng PAR, papangalanan itong Julian, na pang-sampung bagyo na papasok sa bansa ngayong taon.
Ani Duran, hindi naman magiging malakas ang nasabing bagyo at dadaplis lamang sa Pilipinas at saka magtutungo ng Japan.
Ngayong araw, thunderstorm lamang ang magdudulot ng pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon habang ITCZ naman ang umiiral sa Mindanao.