Alas 5:10 ng umaga ng Martes, nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Caloocan, Malabon, Navotas, Quezon City at Valenzuela.
Ayon sa PAGASA dalawang oras ang pag-iral ng thunderstorm sa nabanggit na mga lugar at sumunod na naapektuhan ng thunderstorm ang iba pang lugar sa Metro Manila, at ang lalawigan ng Bulacan, Bataan at Rizal.
Samantala, nakararanas ng malakas na pag-ulan sa maraming lugar sa Mindanao dahil naman sa umiiral na Intertropical Convergence Zone.
Ayon sa PAGASA as of 4:30 ng umaga, nakataas ang yellow warning level sa Zamboanga City, Misamis Oriental, Camiguin, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao del Sur, Sarangani at Basilan.
Bago mag-alas syete ngayong umaga ay inalis na ng PAGASA ang nasabing heavy rainfall warning sa Mindanao pero pinapayuhan pa rin ang mga residente na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau.
Samantala, sa weather forecast ng PAGASA, ang ITCZ na naka-aapekto sa Mindanao ay magdudulot ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa mga rehiyon ng Soccsksargen, Caraga at Davao.