3K dagdag na combat at incentive pay, matatanggap na ng mga sundalo
Nasa 70,000 sundalo na nasa combat zone ang makikinabang sa P3,000 dagdag sa kanilang combat pay at combat incentive pay.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, ito ay alinsunod sa nilagdaan na Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Padilla, matatanggap ito ng mga sundalo nakikipagbakbakan o nasa combat zone sa darating na October 15.
Mula sa dating 500 pesos per month na combat duty pay, itinaas na ito sa 3 libong piso para sa mga sundalong mga frontliner sa mga lugar na may sagupaan.
Maliban dito, mag dagdag pang 300 pesos kada araw mula naman sa 150 pesos per day na bayad bilang combat incentive pay para sa mga sundalong aktuwal na nakikisagupa sa kalabang grupo.
Ayon pa kay Padilla, ang combat duty pay ay para sa mga sundalong nasa lugar kung saan may bakbakan habang ang combat incentive pay naman ay karagdagang bayad para sa mga sundalong aktuwal na nakikipagsagupaan kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.