3 miyembro ng Abu Sayyaf, arestado sa Zamboanga City

 

Arestado ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf group na di umano’y may plano ng pambo-bomba sa Zamboanga City, Lunes ng hapon.

Ayon kay Zamboanga City police director Senior Supt. Luisito Magnaye, naaresto ang tatlong hinihinalang bombers sa Atilano’s Pensionne House sa Barangay Canelar, kung saan nasabat rin ang mga materyales na panggawa ng bomba.

Nakilala ang isa sa mga suspek na si Alfad Pahad Colayan.

Nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang mga suspek at kasalukuyan nang iniimbestigahan.

Read more...