Speaker Alvarez, kumambyo na sa planong pagpapalabas ng sex video sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali, Kabie Aenlle October 04, 2016 - 04:32 AM

 

Alvarez1Naiba bigla ang tono ni House Speaker Pantaleon Alvarez kaugnay sa nauna niyang pahayag na wala siyang nakikitang mali kung ipapalabas sa publiko ang umano’y sex video ni Sen. Leila de Lima.

Sa panayam kahapon, sinabi ni Alvarez na ipinapaubaya na niya sa committee on justice ng Kamara ang pagdedesisyon kung kinakailangan ba talagang gamitin ang nasabing video sa gagawing pagdinig sa Huwebes.

Ayon kay Alvarez, batid niyang maraming grupo ng mga kababaihan ang pumalag sa kaniyang naunang pahayag.

Matapos kasing bitiwan ni Alvarez ang nasabing pahayag, tinuligsa siya ng iba’t ibang grupo ng kababaihan, mga kapwa mambabatas at pati ng mga netizens na tutol sa pagpapalabas ng sex video sa pagdinig bilang pagrespeto sa karapatan ng kababaihan.

Aniya, kaisa siya sa mga adbokasiya para sa mga kababaihan tulad ng pakikiisa niya sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.

Paliwanag ni Alvarez, ginawa niya ang pahayag na iyon noong nakaraang linggo dahil wala namang sumalungat o tumutol dito, sabay giit na wala namang malalabag na batas dahil gagawin nila ito “in aid of legislation.”

Dagdag niya pa, nakausap na rin niya sina Representatives Kaka Bag-ao ng Dinagat Islands, Dina Abad ng Batanes at ni Josephine Sato ng Occidental Mindoro, at tiniyak sa mga ito na wala siyang problema laban sa kababaihan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.