State of calamity idineklara sa Indang, Cavite dahil sa Chikungunya outbreak

By Kabie Aenlle October 04, 2016 - 04:28 AM

 

Dengue_1Isininailalim na sa state of calamity ang bayan ng Indang sa Cavite dahil sa outbreak ng sakit na chikungunya na dala ng mga lamok.

Sa kabila ng bumababa nang dami ng kaso ng mga nagkaroon ng nasabing sakit sa lugar, minabuti na ng lokal na pamahalaan na ideklara ang state of calamity upang mas paigtingin ng mga residente ang pag-iingat.

Nakapagtataka rin para sa mga opisyal kung bakit nagkaroon ng outbreak sa Indang, gayong isa ito sa pinakamalinis na mga bayan sa Cavite.

Ang sakit na chikungunya ay dala rin ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue at Zika virus.

Gayunman, hindi ito nakamamatay tulad ng dengue ngunit makapagdudulot naman ito ng pananakit ng kasu-kasuan na tumatagal ng mula hanggang anim na buwan hanggang ilang taon.

Gagamitin ng lokal na pamahalaan ang pera mula sa calamity fund upang magpakalat ng impormasyon, para sa mga mangangailangan ng gamot, laboratory tests at pati na rin sa pagsasagawa ng mga hakbang na makakatulong na puksain ang mga lamok sa kanilang lugar.

Mas pinaigting naman ng mga lokal na opisyal ang kanilang paalala sa mga residente na panatilihing malinis ang kanilang paligid at iwasang mag-imbak ng tubig na maaring pamahayan ng lamok.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.