Aktor na si Mark Anthony Fernandez, arestado dahil sa iligal na droga

 

Inquirer file photo

Nasa kustodiya ng mga pulis sa Pampanga ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos mahulihan ng iligal na droga sa nasabing probinsya.

Tinatayang nasa isang kilong marijuana ang nakuha mula sa aktor na naaresto pasado alas-8:30 Lunes ng gabi.

Kasalukuyan nang naka-detine si Fernandez sa Angeles City Police Station 6.

Matatandaang minsan na ring nasangkot ang naturang aktor na anak ng mga sikat rin na artistang sina Rudy Fernandez at Alma Moreno, dahilan para dalawang taon itong mamalagi sa rehabilitation center.

Read more...