Buong gabinete pinulong ni Duterte

President Rodrigo Roa Duterte holds his first Cabinet meeting being held at the Aguinaldo State Dining Room of the Malacañan Palace. The agenda focuses on disaster risk reduction and management status of the country.
Inquirer file photo

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete kaninang hapon para pulungin.

Kabilang sa mga pag-uusapan ay ang highlights ng kanyang biyahe sa Vietnam noong nakaraang linggo.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar, kasama rin sa agenda ng ika-pitong cabinet meeting ng pangulo ang crop farming system para sa mga lokal na pamahalaan.

Pag-uusapan din ang framework ng Philippine Development Plan 2017 to 2022 at ang magiging national security policy ng administrasyon.

Samantala, sa Oktubre 7 ng tanghali papatak ang unang isang daang araw ng Duterte administration.

Ayon kay PCO Asec. Ramon Cualoping, may dalawang oras na presentatation ang ipapalabas ng RTVM at mapapanood sa PTV 4 simula alas tres y media ng hapon na susundan ng ulat sa bayan ni Pangulong Duterte.

Pero ayon sa ilang opisyal ng PCO,  isinasapinal pa nila ang mga aktibidad para sa ika-isang daang araw ng Duterte administration.

Read more...