Magpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang oil companies bukas, October 4.
Sa abiso ng Flying V, SEAOIL, Phoenix Petroleum at Unioil Petroleum, tataas sa 60 centavos kada litro ang presyo ng diesel habang 35 centavos naman kada litro ang presyo ng gasolina.
Ang SEAOIL at Flying V ay magdadagdag din sa presyo ng kerosene na aabot sa 40 centavos kada litro.
Epektibo ang naturang dagdag presyo bukas, October 4, alas sais ng umaga maliban sa Flying V na ipatutupad ang adjustment mamayang 12:01 ng hatinggabi.
Batay sa datos ng Department of Energy, naglalaro sa P24.65 hanggang P28.02 ang presyo ng kada litro ng diesel habang ang gasoling naman ay mula P34.75 hanggang P43.45.
Ang price adjustments ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.