Panukala para sa same-sex marriage ikinakasa na sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali October 03, 2016 - 05:03 PM

Alvarez1
Inquirer file photo

Kinumpirma ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maghahain siya ng isang panukalang batas upang magkaroon na ng same sex marriage sa Pilipinas.

Ayon kay Alvarez, inuumpisahan na niya ang pagbuo ng draft para sa same-sex marriage bill upang maihain sa lalong madaling panahon sa Kapulungan.

Sinabi ng House Speaker na panig siya sa karapatan at dignidad ng mga bahagi ng LGBT o Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender community.

Binigyang-diin pa nito na patuloy ang pagdami ng populasyon ng LGBT sa bansa, kaya mas marapat lamang na magkaroon sila ng proteksyon mula sa estado.

Sa ilalim ng naturang panukala, sinabi ni Alvarez na ang pagpapakasal ng mga indibidwal na pareho ng kasarian o babae sa babae o lalaki sa lalaki ay gagawin sa pamamagitan ng civil ceremony lalo’t imposible itong mangyari sa simbahan

Aminado naman si Alvarez na may mga siguradong kokontra sa kanyang panukala, sa Kamara man o ibang sektor pero may nakasaad umano sa Konstitusyon na naggagarantiya ng kaligayahan sa mga Pilipino na hindi aniya dapat ipagkait sa mga taga-LGBT community.

Sa mga nakalipas na Kongreso, may mga nagtatangka nang ihain ang same-sex marriage bill subalit hindi ito naging prayoridad, bukod pa sa mariin pa rin ang pagtutol dito ng simbahang Katolika.

TAGS: Alvarez, LGBT, same sex marriage, Alvarez, LGBT, same sex marriage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.