2 patay, 11 sugatan sa banggaan ng trak at bus sa Quezon

By Mariel Cruz October 03, 2016 - 04:31 PM

Pagbilao.10 (1)Patay ang dalawang katao habang labing isa ang sugatan makaraang salpukin ng isang bus ang isang truck sa Pagbilao, Quezon gabi ng Linggo.

Ayon kay Chief Insp. Jaytee Tiongco, hepe ng Pagbilao police, isang bus na patungong Maynila ang biglang lumihis sa kabilang lane dahilan para mabangga nito ang isang delivery truck.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Binahaan bandag alas diyes kagabi.

Nakilala ang bus driver na si Fidel Barata Jr. at ang truck driver na si Ronnel Gonzaga na parehong agad binawian ng buhay.

Bukod dito, nabangga din ng truck ng isang tricycle na ikinasugat ng driver na si Carmelo Saavedra.

Agad naman itinakbo sa ospital si Saavedra kasama ang sampung iba pang sugatan na pasahero ng bus at truck.

TAGS: pagbilao, Vehicular accident, pagbilao, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.