Gusot sa ikatlong narcolist ni Duterte kinumpirma ng PNP

By Ruel Perez October 03, 2016 - 04:24 PM

Bato01
Photo: Ruel Perez

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkakaroon ng mga pagtatalo at banggaan ng ibat-ibang intelligence agencies ng gobyerno kaugnay sa narcolist ng pangulo

Ayon kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa, normal lamang naman ang nasabing pangyayari.

Posible din umano na ang pagtatalo-talo ay sanhi na rin ng ginagawang validation at double checking sa mga pangalan na kasama sa narcolist.

Pero giit ni dela Rosa, para magtagumpay sa paglaban sa ilegal na droga ay dapat na magkaisa ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan.

Nauna ng binanggit ni Duterte na hindi magkasundo ang National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP sa pagtukoy sa mga drug personalities na dapat isama sa listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi naman ng Malacañang na sa loob ng linggong kasalukuyan ay iaanunsyo na ng pangulo ang pangalan ng mga drug personalities sa kanyang ikatlong narcolist.

TAGS: dela rosa, NBI, PDEA, PNP, dela rosa, NBI, PDEA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.